Palagi kong iniiwasan kaya sa paglipas ng panahon, akala ko ay nakalimutan ko na. Ngayon na muling nanumbalik ang lahat, tulad ng dati, ginusto ko itong hindi pansinin at kalimutan na lamang. Ngunit napagtanto ko, sa pagpipilit kong ito'y kalimutan, tinatakbuhan ko lamang pala ito at hindi hinaharap. Kung hinarap ko na siguro ito dati pa, matagal na sana itong natuldukan. At kahit pa manumbalik ito, sa aking memorya'y wala na.
No comments:
Post a Comment