Sunday, August 11, 2019

Kadamay

Ngayon ay gusto kong patahanin ka
Tapikin ang likuran mo't punasan ang 'yong mga luha
Gusto kong malaman mong mauunawaan kita
Kaya naririto ako upang damayan ka

Sa tingin ko nagawa ko naman ito ng tama
Nakalimutan kong mayro'n din pala akong mga problema
Hindi ko alam kung papaano ko ito nagagawa
Ang damayan ka kahit na kailangan ko rin ng isa

Ngunit napagtanto kong hindi ko na kailangan pa
Sapagkat ang dalhin ito'y masasabing kaya ko na
Sa pagdamay ko'y kadamay ay nahanap ko na
Kay sarap sa loob ang maging kadamay ng iba

(2019 August 11 - 11:14 PM)

No comments:

Post a Comment